Posts

BANGKANG PANG JOURNO

BANGKANG PANG JOURNO   “ Nasa bangka pa ba kayo?” ang tanong na madalas kong naririnig bilang isang student journalist sa URS Angono. Noong una nakakatuwa lang siyang pakinggan ngunit habang tumatagal tila ang simpleng tanong na ito ay may dalang lihim na mensahe sa bawat isang sakay ng mahiwagang bangkang ito. Tulad sa ibang mga kurso, magkakiba ang istorya at baon naming dahilan sa pagdaong. Mayroon dito na napilitan lang dahil ika nga ' no choice'. Ang ilan naman ay sumama lang sa mga kaibigan, ngunit marami pa rin sa amin ang pumiling sumakay dahil ito talaga ang paglalakbay na gusto nilang puntahan. Masaya ang mga unang taon, hindi man maiwasan ang alitan, pero masasabi namin na kahit papano masaya kami at nakakakuha kami ng karangalan at pagkilala sa aming paaralan. Ngunit sabi nga sa una lang yan masaya, pero habang papalayo ang pagusad ng aming bangka, mas naramdaman namin ang lalim ng dagat na aming kinalalagayan. Tumatak sa isipan ng ilang mga kasamahan ko ang salitan...
Recent posts