Skip to main content

BANGKANG PANG JOURNO


BANGKANG PANG JOURNO

 Nasa bangka pa ba kayo?” ang tanong na madalas kong naririnig bilang isang student journalist sa URS Angono.

Noong una nakakatuwa lang siyang pakinggan ngunit habang tumatagal tila ang simpleng tanong na ito ay may dalang lihim na mensahe sa bawat isang sakay ng mahiwagang bangkang ito.

Tulad sa ibang mga kurso, magkakiba ang istorya at baon naming dahilan sa pagdaong.

Mayroon dito na napilitan lang dahil ika nga 'no choice'. Ang ilan naman ay sumama lang sa mga kaibigan, ngunit marami pa rin sa amin ang pumiling sumakay dahil ito talaga ang paglalakbay na gusto nilang puntahan.

Masaya ang mga unang taon, hindi man maiwasan ang alitan, pero masasabi namin na kahit papano masaya kami at nakakakuha kami ng karangalan at pagkilala sa aming paaralan.

Ngunit sabi nga sa una lang yan masaya, pero habang papalayo ang pagusad ng aming bangka, mas naramdaman namin ang lalim ng dagat na aming kinalalagayan.

Tumatak sa isipan ng ilang mga kasamahan ko ang salitang 'experimental batch' kami dahil sa K12 program, sila kasi ang unang batch sa ilalim ng programang ito.

Kami rin ang unang batch ng program transition from AB Mass Communication major in Journalism to AB Journalism ng URS Angono kaya marami ang mga nabagong alituntunin at programa sa aming mga unang taon sa pamantasan.

Ngunit sabi nga nila, Journalist kami kaya dapat matatag at palaban ang aming personalidad. Kaya naman bilang isang grupo, tinuloy namin ang pagsagwan. Mas naging aktibo kami sa mga kompitesyon tulad ng short film contest, documentary, at iba pang mga inter school competition kung saan nakuha namin ang mga pinaka mataas na pagkilala.

Hindi alintana sa amin ang puyat, init, at gutom sa tuwing gumagawa kami ng mga ganitong proyekto.

Hanggang sa dumating ang krisis ng pandemya.

Sinubok nito ang lahat ng sektor sa lipunan, ngunit bilang mga estudyante, ito na siguro ang pinaka mataas na alon na aming sinuong.

Muli na naman nagpauli-ulit sa aking isipan ang tanong na  Nasa bangka pa ba kayo?”

Marami ang nakaranas ng pagdududa at kagustuhang sumuko sa pagsawan sa propesyong pinili namin puntahan. May mga nagdrop dahil sa hindi kiniya ang online class, nakaranas ng kakulangan ng emosyonal at pinansyal na suporta.

Lahat ay sumugal, pinanghawakan ang kanya-kanyang pangarap bilang aming kagamitan na suungin ang nagwawalang alon sa malawak na karagatan ng pandemya.

Inensayo ang mga propesyonal na gawi bilang isang student journalist na ang tanging kaharap ay ang elektrikal na kagamitan. Pinagyaman ang malawak na kaisipan upang magawa ang bawat proyekto ng hindi nagkikita ng pisikal.

Ang bawat isa ang aming naging sandalan, niyakap ang kahinaan ng iba at humugot ng lakas ng loob mula sa kakayahan ng nakakarami. 

Ani nga ni Mother Teresa, “Not all of us can do great things. But we can do small things with great love”. Hinubog ako ng Pamantasan na sumabay sa pagsagwan, aralin ng mahusay ang alon, at matuto ng magandang estratehiya mula sa kapwa myembrong patuloy na sinasalubong ang hamon ng mga nagtataasang alon sa karagatan.

Walang madali sa apat na taon na pagsusunog ng kilay sa loob man o labas ng pamantasan— kakulangan sa suportang pinansyal, kagamitan para sa mga documentary at short filmings, rejections and failure ng mga projects. Ngunit dahil iisa ang direksyon na gustong tahakin, naging determinado at pursigido ang nakararami— natutunan na walang hindi kakayanin hanggat hindi mo pa nasusubukan.

Kaya naman para sa Batch 2022, CONGRATULATIONS!! We finally made it.

Sabi nga sa lyrics ng URS school hymm, tayo ay "hinubog ng panahon" kaya ano mang taas ng alon ang ating suungin, mananatiling matibay at matatag ang ating bangka dahil sakay nito ang malaking pangarap na ating isinagwan sa mahabang panahon.



Comments